AMA NANGISAY SA ISDANG BUTETE

butete-2

CAMARINES SUR – PATAY ang isang padre de pamilya nang malason ng isdang butete sa bayan ng Pasacao.

Sinabi ni Chairman Brandon Barranda ng Barangay Dalupaon, nanghinayang si Joseph Lebantino, 27-anyos, sa itinapong atay ng butete matapos na subukan itong katayin ng kanyang ama na si Rolando Lebantino.

Dahil sa nakasanayan na umano ang pagkain ng nasabing isda, inihaw ng nakababatang Le­bantino ang atay nito bago kinain para sa kanyang almusal.

Pinaalalahanan pa umano ni Joseph ang mga bata sa lugar na hindi ang mga ito maaaring kumain ng butete dahil ipinagbabawal ito ng awtoridad.

Matapos ang ilang minuto, bigla na lamang nakaramdam ng pananakit ng tiyan, tumaas ang temperatura at nagkaroon nang paninigas ng katawan ang biktima, na agad na isinugod sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doctor.  AIMEE ANOC

Comments are closed.