AMA NG PASKO SA PILIPINAS

Una raw nagkaroon ng Pasko sa Pilipinas noong 1324, at si Father Odorico, isang Franciscan missiona­ry mula sa Pordenone, Italy ang nagpasimuno nito.

Survivor siya ng  isang lumubog na barko na napadpad sa Pilipinas, noong panahong hindi pa tayo nasasakop ng mga Kastila. Sa madaling sabi, hindi talaga si Ferdinand Magellan ang nakadiskubre sa Pilipinas. In fact, hindi rin si Fr. Odorico, dahil bago pa siya, nakiki­pagkalakalan na tayo sa mga Chinese at Arabo.

Ngunit dahil ang usapan dito ay ang taong nagpakilala ng Pasko sa atin, si Fr. Odorico nga ‘yon.

Naglakbay siya sa India, Sumatra, Java, at China sa loob ng tatlong taon, at naninirahan din sa Khanbaliq (Beijing na ngayon).

Si Fr. Odorico rin ang unang nagsagawa ng misa sa Pilipinas at ginanap iyon sa Bolinao, Pangasinan noong 1324, at hindi sa Homonhon, sa Limasawa Island na siyang nakalagay sa mga history books natin. Taong 1521 kasi duma­ting dito si Magellan.

Hindi inangkin ni Fr. Odorico ang pagkakita sa Pilipinas dahil wala naman siyang ulterior motive sa pagdaong sa Pilipinas.

Aksidente lamang na napadpad siya sa Pangasinan at tinanggap naman siya ng mga ito. Dumalo pa nga sila sa paghahandog niya ng misa, at binigyan pa ng mga regalong pagkain at mga prutas. Ipina­kilala kasi niya ang Pasko bilang araw ng pagbibigayan ng regalo at pagpapatawad sa mga nagkasala — na lubhang katanggap-tanggap sa mababait na Panga­senense. Of course, hindi pa Panga­sinan ang Pangasinan noon, at lalong wala pa ring Bolinao. Noon kasi ay kinikilala ang lugar batay sa tribo.

Ngayon, kung Ama ng Christmas Songs naman sa Pilipinas, walang kukwestyon kay Jose Mari Lim Chan o Jose Mari Chan for short. Isinilang siya noong March 11, 1945. Isa siyang Filipino singer na may Chinese descent (obvious ba?), songwriter, businessman at TV presenter. Isa siya sa mga pinakasikat na balladeers at composers sa bansa, at tinaguriang  “King of Philippine Christmas Carols”.

Kaye VN Martin