AMA NG YUMAONG AKTRES PATAY SA PANANAMBANG

tambangan

LAGUNA – TINAMBANGAN ng mga mga salarin ang ama ng yumaong aktres na si Halina Perez sa Bgy. Talangka, bayan ng Sta. Maria ng lalawigang ito.

Base sa ulat ni Capt. Eviener Boiser, hepe ng pulisya na nakilala ang biktimang si Rene Uri y Sana, 60-anyos ng Sitio Luya, Bgy. Coralan ng bayang ito.

Nabatid na agad  binawian ng buhay sa mismong pinangyarihan ng insidente ang biktima bunsod ng tinamong ilang tama ng bala sa kanyang ulo at katawan mula sa hindi pa mabatid na kalibre na baril na ginamit ng mga suspek.

Bandang alas- 4:30 nakaraang Huwebes ng hapon nang tambangan ng mga suspek ang biktima habang lulan sa kanyang minamanehong kulay itim na Kymco na motorsiklo patungo ng Bgy. Bagong Pook mula sa bayan ng Mabitac.

Patraydor na pinagbabaril ang biktima hanggang sa sumadsad ang minamanehong motorsiklo bago tuluyang bumulagta sa gilid ng kalsada.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo ng Bgy. Cabuoan matapos ang pamamaril.

Sa pahayag ni Boiser, isang taon pa lamang nakalalaya ang biktima sa pamamagitan ng parole mula sa Laguna Provincial Jail sa bayan ng Sta. Cruz sa kasong pagpatay sa dating Bise Alkalde ng bayang ito na si Rex Real na mahigit 15 taon na ang nakararaan. DICK GARAY

3 thoughts on “AMA NG YUMAONG AKTRES PATAY SA PANANAMBANG”

  1. 862339 797632Jane wanted to know though your girl could certain, the cost I just informed her she had to hang about until the young woman seemed to be to old enough. But the truth is, in which does not get your girlfriend to counteract using picking out her quite own incorrect body art terribly your lady are usually like me. Citty style 164493

  2. 260735 355595I was curious if you ever thought of changing the layout of your site? Its very well written; I love what youve got to say. But maybe you could a little more in the way of content so people could connect with it better. Youve got an awful lot of text for only having one or two images. Maybe you could space it out better? 604792

Leave a Reply

Your email address will not be published.