BATAAN- PINAGTATAGA ng 25-anyos na lalaki ang sariling ama sa Pastulan Vllage, Barangay Tipo, Hermosa, kahapon ng madaling araw.
Batay sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Hermosa Municipal Police Station Chief of Police Major Jeffrey Onde, dead on the spot sa loob ng kanilang bahay ang biktima na si Danilo Abrahan, (Indigenous People Aeta), 59-anyos, may asawa sanhi ng mga tinamong sugat sa katawan nang pagtatagain ng kanyang anak na si Erwin.
Sa ulat ng Hermosa PNP, bandang alas-3 ng madaling araw nang magising ang anak nito si Rosabel Abrahan dahil sa sigaw ng ama na humihingi ng tulong habang tinataga ng suspek.
Kaagad namang nakahingi ng tulong si Rosabel sa kanilang mga kapitbahay at ipinabigay alam sa pulisya ang pangyayari subalit patay na nang datnan ng mga awtoridad ang biktima sa bahay nito.
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na ayon sa mga kaanak ay sumasailalim sa gamutan ng isang psychiatrist sa Olongapo City. ROEL TARAYAO
492604 349336A blog like yours ought to be earning much dollars from adsense.~::- 399880
805593 64096Terrific paintings! That may be the type of info that are meant to be shared about the net. Shame on the seek for no longer positioning this publish higher! Come on over and consult with my website . Thank you =) 355823
71121 340212You produced some respectable points there. I looked on the internet for the issue and located most people will go along with along with your website. 771891