AMALIA FUENTES SA EDAD NA 79

AMALIA FUENTES

PUMANAW na  ang Elizabeth Taylor of the Philippines na  si Amalia Fuentes sa edad na 79.

Kinumpirma  ni Niño Muhlach, pamangkin ng aktres,  na binawian ng buhay ang kanyang Tita Amalia alas-4:00 madaling araw ng  Sabado dahil sa multiple organ failure.

Nagsimula ang career  ni Fuentes, o Amalia Muhlach sa tunay na buhay    noong 1956 sa Sampaguita Pictures at u­nang gumanap sa pelikulang Rodora.

Apat na taon nang bedridden ang aktres matapos ma-stroke habang nagbabakasyon sa Thailand.

Unang ikinasal ang ak­tres sa aktor na si Romeo Vasquez at nagkaroon ng isang anak na si Liezl Martinez. Si Martinez ay namatay noong 2015 dahil sa breast cancer.

Muli siyang ikinasal sa American businessman na si  Joey Stevens.

Comments are closed.