AMANG MANYAKIS KALABOSO SA PANGHAHALAY SA ANAK

PANGHAHALAY

BULACAN – ISANG construction worker ang nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong rape matapos nitong halayin ang 14-anyos na anak na babae habang natutulog ang biktima nang pasukin sa loob ng silid ng suspek na sinasabing lasing sa Barangay Calumpang, San Miguel, Bulacan kama­kalawa ng gabi.

Base sa report kay P/Col. Emma Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan-PNP, nakilala ang naares­tong suspek na si alyas Manny, 43-anyos, at residente ng Barangay Calumpang, San Miguel na nakakulong ngayon matapos ipagharap ng reklamong rape ng kanyang asawa at 14-anyos na anak na babae na itina­go sa pangalang Ine.

Nabatid na kasalukuyang natutulog ang biktimang si Ine sa loob ng kanyang silid sa kanilang tirahan sa Barangay Calumpang, San Miguel nang pu­wersahang pumasok ang kanyang amang suspek at paghihipuan ito sa maseselang bahagi ng kanyang katawan hanggang tuluyang gahasain ng sariling ama.

Pagdating ng kanyang ina ay kaagad na ipinagtapat ng biktima ang ginawa ng sariling ama kaya kaagad silang nag-tungo sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang suspek  na nadakip at patuloy pang iniim­bestigahan kung ngayon lamang ito ginawa ng suspek sa kanyang sari­ling anak o matagal na niya itong inaabuso. MARIVIC RAGUDOS