AMANG PULIS KAKASUHAN SA NAMATAY NA ANAK

NAKATAKDANG sam­pahan umano ng kaso ang isang pulis na ama ng 12 anyos na batang lalaki na binawian ng buhay matapos mabaril ang sarili gamit ang service firearms nito na naganap kamakalawa ng umaga sa San Jose, Del Monte, Bulacan.

Ang naturang pulis ay nakilalang si PEMS Sherwin A. Dascil, nakatalaga sa Directorate for Police Community Relation (DPCR) sa Camp Crame, Quezon City at nakatira sa #277 North Fairway Homes, Brgy. Muzon, SJDM, Bulacan.

Lumitaw sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na ang baril na may Kalibreng 9MM na P. Beretta ay service fire arms at inisyu ng PNP kay PEMS Dascil.

Sinabi ng ilang opisyal na napakasakit ng nangyari sa kasamahan nila na mismong gamit niya ang naging dahilan upang maagang matapos ang buhay ng sarili niyang anak.

Nagkagayon man ay kailangang harapin ni PEMS Dascil ang kasong isasampa sa kanya ng PNP, ang Administrative at negligence (kapabayaan) resulting to homicide. EVELYN GARCIA