AMASONA SUMUKO SA MILITAR

sumuko

QUEZON – BOLUNTAR­YONG sumuko sa 85th Infantry Batallion, 201st Infantry Brigade at Quezon-PNP ang isang amasona na aktibong miyembro ng New Peoples Army (CPP-NPA) sa bayan ng General Luna kamakalawa.

Kinilala ni Lt.Col Arnold L. Gasalatan ang sumukong NPA rebel na si Alexandra Padilla Casalda alyas “Ka Cosette/Ka Cris”, 23-anyos, tubong Lucena City, mi­yembro ng Platoon Sol, Sub-Regional Military Area (SRMA) Region 4B, Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC).

Ayon sa militar, nagtapos ng kolehiyo si Casalda sa Enverga University sa lungsod ng Lucena sa kursong mass communication at isang akti­bong miyembro ng Gabriela Youth and College Editors Guild of the Phils. at laging kasama ito sa mga inilulunsad na protesta laban sa gob­yerno bago pa tuluyang sumama sa mga armadong rebeldeng NPA sa kabundukan.

Isinurender din ni Casalda ang kanyang armas na smith and wesson na revolver na naglalaman ng anim na bala sa awtoridad.

Samantala, ikinokonsidera naman ni Southern Luzon Command (SOLCOM) Commander Lt.General Gilbert Gapay na isa na namang kabataan na na-recruit ng CPP-NPA mula sa paaralan ang kanilang naibalik sa kanyang mga magulang at sa pamahalaan. BONG RIVERA

Comments are closed.