AMASONA,TATLONG KADRE PATAY SA ENGKUWENTRO

NPA

OCCIDENTAL MINDORO-APAT  na miyembro ng communist New People’s Army (NPA) na kinabibilangan ng isang amasona at tatlong kadre ang nasawi nang makasagupa ang mga tauhan ng AFP 2ND Infantry Division sa Rizal sa lalawigang ito.

Nasamsam naman sa isinasagawang clearing operation sa lugar ng pinangyarihan ang  walong high powered firearms na kinabibilangan ng anim na M16A1 assault rifle , isang M653  rifle at isang M14 rifle nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Col Jose Augusto Villareal, Commander ng  203rd Brigade , walang nasugatan sa kanilang hanay matapos na makipagbakbakan ng halos kalahating oras sa may 20 NPA rebels  sa Sitio Surong, Barangay Aguas .

Inihayag ni Army Captain Jayrald B. Ternio, bago binakbakan ng 203rd Brigade ang hanay ng mga komunistang rebelde ay nakatanggap muna sila ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa presensiya ng mga hinihinalang NPA na pawang armado ng mataas na kalibre ng baril.

Dahil dito, pinapurihan ni  MGen Greg T Al­merol, Commander ng 2ID, ang katapangan at kooperasyon ng mga residente sa kampanya ng pamahalaan laban sa insurgency.

“Your bravery fuels your soldiers’ commitment to finally end terrorism in our country. Together, we will surely bring down this barrier that prevents our nation from achieving peace and progress. No family should have to suffer like this, to those who are still bearing arms, please abandon this senseless armed struggle and make use of the government’s E-CLIP program to help you rebuild your new life with your families,” panawagan ni Almerol sa mga nalalabing NPA. VERLIN RUIZ

Comments are closed.