MAKIKITA ng publiko sa Manila Ocean Park ang Eiffel Tower sa Paris sa pamamagitan ng 9.7 miniature Eiffel Tower na paiilawin sa darating na Biyernes, Nobyembre 15 sa Maynila.
Ayon sa pamunuan ng Manila Ocean Park, masisilayan ng publiko ang ‘Amazing Paris lightning ceremony’ dakong ala-5 ng hapon sa parke.
“With a unique twist on tradition, we are elevating the classic Christmas tree display to introduce the “Amazing Paris” attraction. This captivating experience will feature a 9.7-meter miniature Eiffel Tower, surrounded by charming, small roaming cars that add a whimsical touch to the celebration,” ayon sa Manila Ocean Park.
Magkaroon din ng pagtatanghal ang mga talentadong bata matapos ang pagpapailaw sa Eiffel Tower na magsisilbing Christmas tree sa Parke.
VERLIN RUIZ