AMBAG NG LOCAL CREATIVE INDUSTRIES KINILALA NI PBBM

KINIKILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontribusyon ng local creative industries dahil sa ambag sa kultura at maging sa ekonomiya ng bansa.

Dahil dito ay,  hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga stakeholder at kasosyo sa industriya na magtulungan sa pagpapalakas ng komunidad ng disenyo at makipag-ugnayan sa mga lokal at internasyonal na kaalyado.

“So, as we immerse ourselves in The Art X Design programs and the 50 years of Philippine Design and Beyond Exhibition, let us take this moment to exhibit our country’s creativity and excellence on the global stage,” ito ang pagdiriin ni Pangulong Marcos.

Kasamang dumalo sa exhibit ni Pangulong Marcos si First Lady Liza Araneta-Marcos sa paglulunsad ng ‘Art X Design: A Special Reception of the 50 years of Philippine Design and Beyond’ exhibit na ginanap sa National Museum of Fine Arts sa lunsod ng Maynila.

Ipinaliwanag din ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng kuktura sa pagpapatatag sa bansa.

“And why is that important? It is important because the culture is the shared consciousness of a nation and it defines and answers the question: What is it to be Filipino? And that is a very important unifying force for the rest of us, for the rest of Filipinos, even non-creative to be able to say that ‘no, these are the things that we produce. There are the things that are important to us.

These are the things that we remember, these are the things that we honor, and this is our everyday life. This is what we do everyday,” pahayag ng Pangulo.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga stakeholder at kasosyo sa industriya na magtulungan sa pagpapalakas ng komunidad ng disenyo at makipag-ugnayan sa mga lokal at internasyonal na kaalyado.

Pinangunahan ng Design Center of the Philippines (DCP) ang exhibit na nagtampok sa naging pag-unlad ng creative at design industry sa nakalipas na 50 taon.

“Because together, we can enhance the global competitiveness of Filipino products and services, broaden trade horizons, and nurture a vibrant and sustainable economy that embodies the pinnacle of Filipino artistry and creativity,” anang Pangulo.

Hindi rin naiwasan na magbaliktanaw ang Pangulo sa lugar kung saan mayroon siyang mahalagang ala-ala ng kaniyang ama.

” It’ s so nice to be back here. It holds so many great memories for me because these were some of the best times that I spent with my father. And maybe without even knowing it, I learned a great deal from having experienced the comings and goings of the upper house and the legislature,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nabigyan din aniya ng katuparan ang pangarap ng kaniyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

“This event is extra special to me as it was my mother, Imelda Romualdez-Marcos, who envisioned a future where design would shine brightly, guiding the path of our nation. In 1973, her vision came to fruition with the establishment of the design center, laying the groundwork for Filipino creativity to dazzle the global stage,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ