AMBASSADOR MAHAHARAP SA MGA ASUNTO

Marichu Mauro

POSIBLENG maharap sa kasong administratibo at kriminal si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro kaugnay sa umano’y pagmamaltrato sa kanyang kasambahay makaraang bigyan ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang ipag-utos ng Pangulo na imbestigahan si Mauro.

“We are leaving it up to the DFA to conduct the investigation because the punishment that can be meted out is not just administrative, the DFA, if needed, can also recommend (the filing) of criminal charges,” sabi ni Roque sa kanyang press briefing kahapon.

“Of course, included there is the household helper of Ambassador Mauro,” dagdag pa ni Roque.

Ayon kay Roque noon pa man ay naging tagapagtaguyod na si Pangulong Duterte ng proteksyon at kapakanan ng mga manggagawa.

Nag- viral ang video ni Mauro nang makita sa CCTV na sinasabunutan at sinasaktan nito ang 51 anyos na kasambahay.

Pinauwi na ni Locsin si Mauro sa bansa upang sumalang sa imbestigasyon. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.