NAG-COURTESY visit ang mga ambassador mula sa mga bansa ng Lao at Czech Republic sa tanggapan ni Vice President Sara Z. Duterte nitong nakaraang Martes.
Binisita ni Lao Ambassador to the Philippines Sonexay Vannaxay si Duterte sa Office of the Vice President central office sa Mandaluyong City .
“Sa aming pag-uusap, napagkasunduan namin na palakasin pa ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng Lao at Pilipinas bilang miyembro ng Association of South East Asian Nations,” ani VP Zara.
“Ayon din kay Ambassador Vannaxay, isa sa mga lugar ng interes ng Lao sa Pilipinas ay ang edukasyon at pangangalaga sa kalusugan. Sinabi ko sa kanya na ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay handang tumulong kay Lao sa pagkilala sa mga lokal na yunit ng pamahalaan na may pinakamahusay na kasanayan sa kalusugan na maaari nilang pag-aralan o subukan,” dagdag pa nito.
Kasunod nito, nag-courtesy visit din kay VP Zara si Czech Republic Ambassador to the Philippines Jana Šedivá kaugnay sa ika-50 anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Czech Republic at Pilipinas na itinatag noong 1973.
Ipinahayag ni Ambassador Šedivá ang kanilang masinsinang pagtuon at suporta para sa edukasyon sa Pilipinas ang kabilang sa naging talakayan.
Idinagdag ng Czech envoy na ang kanyang bansa ay nagbigay ng 20 mga computer para sa mga mag-aaral sa isang maliit na bayan sa lalawigan ng Bohol.
Pinasalamatan ni VP Zara ang Czech Republic sa pagbibigay tulong sa ating bansa.
ELMA MORALES