AMBULANSIYA PARA SA 13 BAYAN NG BENGUET

BINILIHAN ni Benguet Caretaker at ACT-CIS Cong. Eric Yap ang lahat ng 13 bayan ng Benguet province ng mga ambulansiya para para magamit sa pag-transport ng mga COVID patients at iba pang mga maysakit sa pagamutan.

Sa isang pahayag sa local media, sinabi ni Cong. Yap, “marami po kaming mga kababayan na nakatira sa mga liblib na lugar o mga barangay na halos wala pang kalsada at hindi marating ng mga sasakyan kaya’t nagpasya ako na bigyan ang lahat ng bayan ng mga ambulansya.”

Napag-alaman na hindi lang basta ambulansiya ang binili ni Yap kundi mga four-wheel drive na Toyota Land Cruiser na kasaluku­yang kino-convert na raw ngayon ang mga likod para magkasya ang isang stretcher, upuan para sa doctor o nars at mga medical equipment.

“Problema po namin sa Benguet kapag umulan, madulas po ang kalsada dahil maputik lalo na po iyong mga nasa looban kaya kailangan makarating ang mga ambulansiya doon at makuha ang mga pas­yente” ani Cong. Yap.

Pag-amin pa ni Yap, may iilan pa naman na bayan sa Bengeut ang mga may ambulansiya pero ito ay mga luma na at hindi na makapatakbo ng mabilis at malayo.

28 thoughts on “AMBULANSIYA PARA SA 13 BAYAN NG BENGUET”

Comments are closed.