IPINAGBAWAL ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang pagtitinda ng mga ambulant vendors habang ipinatutupad sa buong National Capital Region (NCR) ang enhanced community quarantine (ECQ) ng hanggang Agosto 20.
Nabatid na ang implementasyon ng pagbabawal sa pagtitinda ng ambulant vendors sa kalsada ay base sa Memorandum Circular 21-28 ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Safe City Task Force Advisory No. 49.
Kaya’t binalaan ng pamahalaang lokal ang ambulant vendors na kukumpiskahin ang kanilang mga paninda kapag nahuli bukod pa sa pag-isyu sa kanila ng tiket sa paglabag ng Ordinance No. 24 ng lungsod o “New Normal Ordinance”.
Ayon naman sa Taguig Safe City Task Force (TSCTF) na ipinost sa kanilang Facebook page,ang pagbabawal sa pagtitinda ng ambulant vendors sa mga kalsada sa lungsod ay para na rin sa kabutihan at kaligtasan hindi lamang ng mga nagtitinda kundi pati na rin ng kanilang mga consumer habang nakapailalim ang lungsod sa ECQ.
Sinabi pa ng TSCTF na dahil na rin sa nakapasok na sa lungsod ang mas kinatatakutang Delta variant na mas mabilis makapanghawa kung kaya’t lilimitahan ng lokal na pamahalaan ang kilos ng mga indibidwal upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
“Ang mga ambulant vendors o mga naglalako ng kanilang paninda sa kalsada kabilang ang mga nagtitinda ng taho, prutas, gulay at iba pang paninda ay pinagbabawalan na umikot nitong ECQ,” ayon pa TSCTF.
Sa report na inilabas ng Department of Health (DOH) noong Agosto 5 ay mayroon nang limang kaso ng Delta variant ang naitala sa Taguig.
Base naman sa ulat ng Taguig City Health Office (CHO) ng Agosto 15 ay nakapagtala ang lungsod ng 1,304 na aktibong kaso kabilang na ang 177 bagong kaso ng COVID-19.
Sa kabuuan ay mayroong 32,488 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 30,902 indibidwal ang mga naka-recover na habang 282 naman ang mga namatay dahil sa virus.
Patuloy din ang pagbibigay ng bakuna ng lokal na pamahalaan na sa kasalukuyan ay mayroon nang 530,734 indibidwal ang naturukan ng unang bakuna o 78 porsiyento ng target population na 680,000 habang 275,276 indibidwal naman ay mga fully vaccinated o nakatanggap na ng kanilang ikalawang bakuna. MARIVIC FERNANDEZ
First of all, thank you for your post. casinosite Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^
484511 91042What platform and theme are you utilizing if I may ask? Where can I buy them? x 865036
179551 506724This internet web site is my aspiration, very outstanding style and design and Perfect topic matter. 379555
46431 517010We maintain your page. Watch it offline once more soon. Extremely intriguing post. 560127
78821 860883Currently actually do not stop eating because there is but the decision which you will transform into. Function from your home us rrs often a fad for that who wants to earn cash yet still enough time requires most substantial occasions making use of children and kids goes for as the modern habit. attract abundance 628044
512222 910165There is noticeably a bundle to know about this. I assume you created certain good points in features also 50645