Mariing kinondena ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang insidente ng pananambang sa isang opisyal nila.
Ayon kay Garcia, inambus ang Provincial Election Supervisor ng Sulu na si Vidzfar Amil habang pauwi na mula sa Zamboanga International Airport.
Pero sa kasamaang palad ay nasawi ang kapatid nito na sumundo sa kanya.
Nanawagan sa mga awtoridad si Garcia na agad maibigay ang hustisya sa mga biktima.
Hindi pa naman ikinokonsiderang may kaugnayan sa 2025 midterm elections ang nangyaring pananambang.
Noong 2022 elections, isa ang Zamboanga City sa election hotspots na tinukoy ng Philippine National Police dahil sa seryosong banta sa seguridad mula sa mga teroristang grupo.
RUBEN FUENTES