AMERICAN NATIONAL HULI SA BARIL

INAREST0 ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Lapu-Lapu City, sa Cebu ang isang 45-anyos American national dahil pagdadala ng baril na walang permit mula sa pamahalaan.

Ayon sa report ang dayuhang ito ay papuntang Surigao at nahuli ito nitong Lunes, sa Mactan-Cebu International Airport bago makasakay sa flight patungo sa kanyang final destination.

Nadiskubre ang kan­yang dalang baril at mga bala pagdaan sa final X-ray, kung saan na-detect sa loob ng kanyang check-in baggage ang nasabing armas at 13 rounds of ammunitions.

Agad naman itong dinampot dahil sa paglabag ng RA 10591 o kilala sa tawag na Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Itong suspek ay kasalukuyang sumasailalim ng imbestigasyon sa opisina ng PNP AVSEGROUP sa Lapu Lapu City.

FROILAN MORALLOS