AMERICAN NATIONAL NANG-HIT AND RUN KALABOSO

INARESTO ng awtoridad ang isang American national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng pinagsanib na ope­ratiba ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP), at mga tauhan ng Carmona Municipal Police Station, Cavite Police Provincial Office, dahil sa kasong hit-and run.

Ayon sa impormas­yon dinampot ang dayuhan  nitong October 3, 2024 sa arrival area ng NAIA Terminal 3 pagkababa sa kanyang sinak­yan eroplano mula San Francisco, California.

Batay sa report na nakalap ng pahayagang ito, itong suspek ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng korte noong January 8, 2024, dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide na ihinain ng biktima sa Carmona Municipal Trial Court.

Kasalukuyang itong suspek ay nakakulong sa Carmona Police Station, at kasabay nito isinasagawa ng mga awtoridad ang legal documentation laban sa suspek.

FROILAN MORALLOS