AMERICAN “PEDO” KALABOSO

arestado

PAMPANGA-HINDI na nakapalag at naaresto sa lalawigang ito ng mga tauhan ng  Bureau of Immigration (BI) ang isang pinaghihina­laang pedopilya na American na pinarusahan ng kor­te dahil sa kasong sex offender, at kasalukuyang wanted ng federal authorities  sa Florida, USA kaugnay sa child pornography at illegal possession of firearms.

Naaresto si Sa­muel Arthur Thompson, 49-anyos noong Set­yembre 3 sa kanyang bahay sa Copenhagen St., Don Bonifacio Subd., Angeles City, sa bisa ng mission order ni Immigration Commissioner Jaime H. Morente.

Ayon kay BI Intelligence Officer and FSU Chief Bobby Raquepo si Thompson ay nakakulong na sa BI jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, at agad na ipade-deport dahil sa kanyang pagiging undesirable and undocumen­ted alien.

Inihayag ng US Embassy na si Thompson ay mayroong outstanding arrest warrant noon pang nakaraang buwan na inisyu ng US District Court ng Middle District of Florida dahil sa kasong unauthorized cyber access and intrusion as well as possession of child pornography and firearm.

Ayon pa sa US Embassy dito sa Manila noong taon 1998, na sinentensiyahan ng Alabama court si Thompson ng isang taong pagkakulong dahil sa sexually abusing at sodomizing ng isang 15-anyos na batang lalaki.

Nadiskubre ang record ni Thompson sa BI’s travel database, na dumating sa Maynila noong Hulyo 29 makaraang makarating sa kanya na aarestuhin siya sa kaniyang bansa ng Florida court. FROI MORALLOS

Comments are closed.