AMERICAN SEX OFFENDER NASABAT SA NAIA

HINARANG at inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang isang nAmerikanong sex offender na tinanglang pumasok ng bansa.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ng BI border control and intelligence unit (BCIU) kinilala ang pasahero na si alyas Nathan , 56, na dumating sa NAIA’s Terminal 1 sakay ng Philippine Airlines flight galing Los Angeles.

Ayon kay BI-BCIU, pinigil si Woodward nang nag positibo ang pangalan nito sa bureau’s border control information system habang pinoproseso ang kanyang pasaporte.

“He was immediately issued an exclusion order and boarded on the next available PAL flight to Los Angeles that very same day,” ayon kay BI-BCIU overall deputy chief Joseph Cueto.

Sa datos, si Woodward ay nahatulan sa korte ng Nevada noong 1990 dahil sa panghahalay sa isang 14-anyos na menor de edad.

At dahil dito, ang kanyang pangalan ay nag rehistro bilang siang sex offender.

Ang aktibidades at galaw ng isang registered sex offenders (RSO) sa US at iba pang mga bansa ay naka-monitor para ipaalam sa kanilang mga counterparts kung sakaling bibiyahe sa kanilang bansa..

Isa pang sex offender na nakilalang si alyas Flores ang hinarang sa NAIA Terminal 3.
PAUL ROLDAN