AMERICANS PINAGSUSUOT NG FACEMASK NI JOE BIDEN

JOE BIDEN

HINIKAYAT  ni United States President -elect Joe Biden ang mga mamamayan ng Amerika na  palagiang magsuot ng facemask upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 ( COVID-19).

Paglilinaw ni Biden, ang mandatong ito ay hindi isang political statement kundi mabuting daan tungo sa pagkakaisa.

Dagdag pa ng bagong halal na Presidente ng Amerika na kahit magkaroon ng bakuna, ang isa sa mabisang paraan para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 ay ang pagsusuot ng face mask.

Comments are closed.