DALAWANG weather system pa rin ang patuloy na umiiral sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, patuloy na nakakaapekto sa buong Luzon ang hanging amihan.
Inaasahang magdadala ito ng maulap na kalangitan na may kasamang mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrartive Region at Aurora.
Habang magdudulot naman ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang tail end of a cold frint sa Bicol region at Eastern Visayas.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila, maliban na lamang sa mga pag-uulang dala ng localized thunderstorm. DWIZ 882