NAGSIMULA nitong Martes ang Amihan o Northeast Monsoon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Paliwanag ni Weather Specialist Benison Estareja, maaaring maramdaman ang malamig na hangin mula sa mainland Asia at mararamdaman mula ngayong buwan ng Nobyembre hanggang Marso sa susunod na taon.
Dahil sa pag-iral ng Amihan, asahan ang malamig na gabi at madaling araw.
Paglilinaw naman ni Estareja na bukod sa malamig na panahon, magdadala rin ng pag-ulan ang Amihan sa silangang bahagi ng bansa.
Mananatili rin ang pag-iral ng tatlo pang weather system sa bansa kabilang ang easterlies, shear line at localized thunderstorm at maging ang northeast wind flow.
Unang naramdaman ang Amihan sa extreme northern Luzon kahapon o ang Babuyan Islands.
Habang easterlies ang sanhi kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga, Northern Mindanao, Bicol region, Eastern Visayas, at Davao region.
EUNICE CELARIO