AMLC PINABUBUWAG KAY DUTERTE

AMLC

HINIKAYAT ni Senate blue ribbon committee chairman Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC)  dahil sa umano’y kabiguan nito na ma-monitor at maaresto ang mga money launderer na nagpasok ng halagang P14 bilyon sa bansa.

Ani Gordon, dapat nang i-abolish ang AMLC  dahil wala itong silbi at idemanda ang mga opisyal  nito dahil hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho.

Partikular na tinukoy ng senador ang ini-report ng Bureau of Customs (BOC) sa AMLC kaugnay sa nadiskubreng pagpasok ng milyon-milyong halaga ng salapi subalit wala itong ginawang aksiyon.

Nagtataka rin si Gordon kung bakit  sinasabi ni AMLC Secretariat Executive Director Mel Georgie Racela sa hearing sa Senado na wala siyang ebidensiya gayung nagsumbong na ang BOC sa kanya.

Matatandaan na sa nasabing pagdinig ng komite, sinabi ni Racela na Marso pa noong nakaraang taon ay nakikipag-ugnayan na siya sa kanilang counterparts sa ibang bansa para imbestigahan ang pagpasok ng mga indibiduwal  na kahina-hinala dahil sa bitbit na malalaking halaga su­balit walang mga “derogatory record” kaya hindi nila maestablisa kung may paglabag sila sa batas.

Paliwanag ni Gordon, malinaw ang nakasaad sa Article 19 ng Civil code na “every person must, in the exercise of his rights and in the performance of his duties, act with justice, give everyone his due and observe honesty and good faith.” VICKY CERVALES

2 thoughts on “AMLC PINABUBUWAG KAY DUTERTE”

  1. 881593 309857Wonderful beat ! I would like to apprentice whilst you amend your internet internet site, how can i subscribe for a blog internet site? The account helped me a applicable deal. I had been tiny bit acquainted of this your broadcast provided shiny transparent concept. 306546

  2. 398309 605116Hey! Do you know if they make any plugins to assist with SEO? Im trying to get my blog to rank for some targeted keywords but Im not seeing quite excellent results. If you know of any please share. Thanks! 254170

Comments are closed.