AMNESTIYA IGINAWAD SA MGA REBELDE

Rody-Duterte

GINAWARAN ng amnestiya o pagpapatawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng iba’t ibang rebelde sa bansa.

Apat na magkakahiwalay na proklamasyon ang inilabas ng Malacanang na nilagdaan ng Pangulo noon pang Pebrero 5.

Una ay ang proklamasyon para sa amnestiya sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, sumunod ay sa Moro National Liberation Front, Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade, at sa iba pang communist terrorist group, na nasangkot sa mga krimen na may kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code and Special Penal Laws sa “furtherance of their political beliefs.”

Paliwanag ng Punong Ehekutibo, ang amnesty program ay pinakapuso na programa ng pamahalaan upang makamit ang kapayapaan sa bansa.

“Amnesty program is an integral component of the government’s “comprehensive peace efforts” and part of the peace agreements with those groups, ” ayon sa Pangulo.

Gayunman, ito ay hindi iginagawad sa mga lumabag sa Republic Act No. 9372, o mas kilala sa Human Security Act of 2007, o RA No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Hindi rin sakop ng pagpapatawad ang akusado sa kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, at iba pang krimen laban sa chastity o mga sangkot sa droga gayundin sa mga paglabag o krimen na tinukoy sa General Convention of 1940, at United Nations. EVELYN QUIROZ

One thought on “AMNESTIYA IGINAWAD SA MGA REBELDE”

Comments are closed.