AMNESTIYA NG OVR SA MAYNILA SAMANTALAHIN

PINAYUHAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila na samantalahin ng lahat ng may unsettled ordinance violation receipts (OVRs) ang ipinagkaloob na amnestiya para sa nalalapit na deadline nito.

Nagkakasundo ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod sa desisyong amnestiya hanggang Disyembre 31 na siyang nakapaloob sa city ordinance 8699 na nilagdaan matapos na ipasa ng Manila City Council.

Ito ay makaraang ihayag ni Manila Traffic and Parking Bureau Director Dennis Viaje na maraming motorista ang hindi pa nagbabayad ng kanilang mga penalty na tatlong buwan matapos ianunsiyo ang pagbibigay ng amnesty.

Inaatasan si Viaje na sabihan ang mga tauhan nito na maglagay ng magiging in charge sa pagpoproseso ng OVRs tungkol sa nasabing ordinansa at sa mga probisyon nito.

Inaasahan na babahain ng mga pakiusap mula sa mga motorista na nanghihingi ng amnesty para sa multiple traffic violations at kung saan ang mga lisensya ay nakumpiska na ng MTPB o ng commissioned officer na awtorisado ng City of Manila at mga nahaharap sa mga kaso dahil sa kanilang paglabag.

Gayundin, maging ang mga may hawak ng OVRs na may pending cases kaugnay ng traffic violation ay eligible o maaari rin mag- avail sa pamamagitan ng online na GoManila App o GCash.

Samantala, inanunsyo ng pamahalaang lokal na nilagdaan na ang pagpapalabas ng incentives ng MTPB traffic personnel na umaabot sa 1,200 na eksakto sa darating na Kapaskuhan.

Pinagkalooban din ang mga ito ng premium rice bags bilang pagkilala sa kanilang tulong sa pamahalaang lungsod sa pamamahagi ng food packs sa may 700,000 pamilya sa kabuuang panahon ng pandemya at maging sa pamimigay ng Christmas packages. VERLIN RUIZ