AMNESTY PROGRAM PARA SA OFW SA UAE EXTENDED

ofw

PASAY CITY – PINALAWIG pa ng isang buwan ng United Arab Emirates (UAE) authorities ang amnesty program para sa undocumented foreign workers, kasama na ang mga Filipino.

Ang mga Overstaying at illegal aliens ay maaaring mag-avail  ng extension hanggang Disyembre, anunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“The Department is encouraging other undocumented Filipinos in the UAE to take advantage of the amnesty before the new deadline,” batay sa statement ng DFA.

Ipinatupad ito noong Agosto kung saan may kabuuang 2,153 undocumented Filipinos ang nag-avail ng nasabing programa at nakauwi na sa Filipinas.

Ang pinakahuling umuwi ay ang 98 workers  noong Nobyembre  5.

Sa ilalim ng UAE’s amnesty, ang mga illegal worker ay bibigyan ng three-month grace period  para umuwi sa kanilang bansa, susuko para sa prosecution, o mag-a-apply ng legal status at magmumulta. EUNICE C.

Comments are closed.