MAGKAKALOOB ng amnesty ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa delinquent property owners.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamahalaang lungsod na nilagdaan ni Mayor Herbert Bautista ang isang ordinansa na nagkakaloob ng amnestiya sa real property owners sa pagbabayad ng multa, interests, surcharges, at iba pang penalties para sa hindi nabayarang real property taxes para sa 2018 at sa mga naunang taon.
“Residents burdened with accumulated unpaid business taxes and fees have been given reprieve by City Ordinance 2779-2018 signed by Mayor Bautista,” anang pamahalaang lungsod.
“But instead of losing income, the incentive will serve as an alternative measure for the city government to encourage its delinquent taxpayer to be-come updated with their tax payment records,” dagdag pa nito.
Ang hakbang ng pamahalaang lungsod ay inaasahang magreresulta sa mas malaking koleksiyon ng buwis at paglikom ng dagdag na pondo upang tustusan ang mga proyekto at obligasyon ng lungsod.
“Real property taxpayers can avail themselves of the amnesty covering interests, fines, surcharges, and other penalties for unpaid real property taxes from January 2019 to Oct. 20, 2019,” ayon sa pamahalaang lungsod.
“During this period, taxpayers may settle their delinquent taxes for taxable year 2018 and prior years,” dagdag pa nito.
Maaari lamang bayaran ng taxpayers nang buo ang kanilang real property tax para sa 2019 sa sandaling mabayaran nila ang kanilang unpaid dues mula sa mga naunang taon.
“Payment of delinquent real property taxes can be made in full or installment basis within the due date,” sabi pa ng pamahalaang lungsod.
“However, the tax amnesty shall not apply to real properties that have already been auctioned or are currently being settled or paid under a compromise or similar arrangements and to those with cases pending with the Quezon City Board of Assessment Appeal or in any regular courts of law,” dagdag pa nito.
Comments are closed.