PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang nagbibigay ng amnestiya sa unpaid loan interests ng mga magsasaka, mangingisda at agrarian reform beneficiaries sa pamamagitan ng government lending programs.
Sa botong 209-0, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 5083 o ang panukalang Agrarian and Agricultural Loan Restructuring and Condonation Act na naglalayong pabilisin ang reintegration ng financial at bank standing ng mga magsasaka, mangingisda at agrarian reform beneficiaries, at bigyan sila ng access sa mga bago at karagdagang credit programs ng pamahalaan.
Itinatakda ng bill ang condonation ng unpaid interests, penalties at surcharges sa mga inutang ng nasabing mga benepisyaryo mula sa Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), People’s Credit and Finance Corporation (PCFC), Cooperative Development Authority (CDA), National Food Authority (NFA) at Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation (QUEDANCOR).
Ayon kay COOP-NATTCO party-list Rep. Sabiniano Canama, may akda ng bill, ang mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries ay dapat ituring na katuwang sa pagpapaunlad ng bansa.
“It is therefore imperative upon us to take an overwhelming care and attention by condoning these interests that burdened the debt,” sabi ni Canama.
Comments are closed.