MAYNILA – KINUMPIRMA ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kinasuhan na ng murder ang Kuwaiti employers ni domestic helper Jeanelyn Villavende.
Sa isang panayam, sinabi ni Bello na nakatanggap siya ng ulat hinggil sa development ng kaso at ngayon ay nakakulong na sa isang pasilidad para sa mga high criminal.
Ikinagalak naman ng Malacañang ang development sa kaso ni Villavende.
“Okay ‘yon. ‘Di ba ‘yon ang hinihingi natin, justice,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Una nang nagpatupad ng ban deployment sa OFW sa Kuwait dahil sa nasabing kaso.
Sa record, si Villavende ay napatay ng kanyang mga amo dahil sa pambubugbog habang nakitaan din ng sexual abuse ang labi nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.