PINAIIMBESTIGAHAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang napaulat na ammonia leak mula sa isang pagawaan ng yelo sa Barangay San Antonio nitong Huwebes.
Sa pahayag ng Quezon City LGU kahapon, nagtulong ang mga miyembro ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection na mapanatili ang kaligtasan ng mga empleyado ng naturang pagawaan.
Inaalam na rin ang sanhi nito at tinitignan ang mga paraan para hindi na maulit pa.
Base sa Quezon City Comprehensive Zoning Code of 2016, ang planta ay nasa ilalim ng Low Intensity Industrial Zone kung saan sa ilalim ng Section 21 ng nasabing Code, pinapahintulutan ang “manufacturing of ice, ice blocks, cubes, tubes, crushed, except dry ice.”
Pinayuhan din ng Quezon City Health Department ang mga residente na kung maaari ay umiwas muna sa lugar upang hindi malanghap nang matagal ang ammonia.
Sakaling ma-expose dito, agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital kung makaranas ng mga sintomas tulad ng Cough, abdominal pain, blistering of skin, Burning sensation on nose, throat, lungs, and eyes, Difficulty of breathing at Nausea o pagkahilo.
Dagdag pa ng pamunuan ng Lungsod na makakaasa ang lahat ng QCitizens na masiguro ang kanilang kaligtasan sa kabila ng nasabing insidente.
PAULA ANTOLIN