MARAMING hotel ang nagsipagsulputan ngayon. Hindi nga naman maitatangging ‘di na rin mabilang ang tumatangkilik sa ganitong klaseng negosyo. At isa nga sa tumanggap ng challenge ang Abanto Group of Companies sa pagtatayo nila ng Amore Hotel Manila na matatagpuan sa 8003 Alabang—Interchange, Alabang Muntinlupa City.
Tinanggap ang hamon dahil sa kaliwa’t kanang motel at hotel na nakatayo ay hindi sila nangiming makipagsabayan lalo pa’t first time nila at hindi sila hotelier. Sa katunayan, ang pamilya Abanto ay kilala sa Grocery stores dahil ito talaga ang main business nila. Bukod sa mapagkakatiwalaan, tinagu-rian din silang “lowest price in town”. Mahigit apat na dekada na ang kanilang grocery business.
BAKIT HOTEL AT HINDI MOTEL
Ang Amore ang unang sabak nila pagdating sa hotel business. Kagaya rin ng layon nila sa grocery stores, nais din nilang makapaghandog ng “ser-vices with prestige” sa abot-kayang halaga.
Sa dinamirami nga naman nang maaaring itayo, bakit nga naman hotel at hindi na lang motel.
Dito sa Amore hotel, proud ka sa paglabas mo,” nakangiti pang saad ni Rommel Abanto ang CEO ng Amore Hotel Manila.
Ayon naman kay Donna Abanto, ang Chief Operating Officer ng Amore, wala umanong pinagkaiba ang grocery at hotel. Kumbaga, nais lang nilang i-level up ang serbisyong ibinibigay nila sa tao. Gusto nilang dalhin ang masa sa hotel industry sa pamamagitan ng paghahandog ng mga serbisyong abot-kaya lang sa bulsa. “Very affordable ang party packages namin,” dagdag pa ni Donna.
KONSEPTO NG DESIGNS
Ang Amore Hotel ay five-storey building na mayroong 26 modern-inspired rooms na ang mga pasilidad ay high tech.
Sa labas mismo ng nasabing hotel, wala kang mapapansing kaibahan. Tila kapareho lang ito ng mga nakikita nating hotel. Ngunit sa pagpasok mo naman sa loob, bubungad sa iyo ang kagandahan ng lugar. Elegante ito kahit na may kaliitan ang lobby. Mapapansin mo ring pinag-isipang mabuti ang disenyo.
Ang “Amore” ay Italian word na nangangahulugang “love”. At ito ang naging inspirasyon ng pamilya sa pagdidisenyo ng hotel. Dahil nangan-gahulugang “love” ang Amore, nais nilang sa kanilang hotel magsimula ang pag-ibig at maipasa nila ito sa mga tao—mula sa kanilang staff hanggang sa kanilang magiging customer.
Tulong-tulong din sa pagdidisenyo ang pamilya Abanto. May kanya-kanya silang parte sa itinayong negosyo.
AMORE TOUCH
Kagaya ng tagline ng Amore na “…this is the Amore way… Experience the Amore touch!” personal ang relasyon ng mag-asawang sina Rommel at Donna sa kanilang mga staff.
Kuwento pa ni Donna, talagang pinili nila ang mga staff at sila mismo ang personal na nag-interview sa mga ito. Dumaan din daw sa training ang bawat staff. At dahil hindi naman maiiwasan na may magtungo o mag-stay na foreigner, sinisikap ng mag-asawa na kahit na papaano ay magkaroon ng lakas ng loob ang mga staff na makipag-usap, kahit pa nga raw “English carabao” ito.
At kung sa ibang hotel ay nag-aalangan ang customer na makipag-usap, sa Amore, para itong bahay na kapag pumasok ka, hindi ka mahihiya.
Mapapansin mo rin ang mga dekorasyon sa buong hotel na kakaiba. Sa mga kuwarto rin ay makikitang may mga bagay o gamit gaya na lang ng lampara na do-it-yourself. At ayon kay Donna, siya mismo ang gumawa ng mga ito.
CHALLENGES SA PAGPAPATAYO NG AMORE
Bilang mag-asawa, maraming pagsubok ang kinaharap nina Rommel at Donna. Marami silang ideya na gustong ma-apply. Ngunit sa kabila nito ay napagtatagumpayan nila ang mga pagsubok na dumarating sa kanila. At isa sa ginagawa nila ay ang pag-uusap para masolusyunan ang mga problemang dumarating.
Isa pa sa naging challenge na kinaharap nila ay ang pagre-renovate ng building. Dahil nakatayo na ang gusali kaya’t ang matinding naging challenge sa kanila ay kung papaano nila maaayos ang lugar nang naaayon sa gusto nila.
“Originally this is a renovation lang. The building is here already. ‘Yun ang challenge sa amin kasi ang lalaki ng mga poste. Hindi na ma-adjust ang mga poste. Ang challenge sa room na kailangan kapag tinapatan mo ang poste, hindi siya magmumukhang awkward,” ani Donna nang tanungin namin kung bakit may mga parte sa kuwarto na solid ang tunog at mayroon ding parteng parang hindi.
“Dahil hindi puwedeng gibain ang structure, kami ang kailangang mag-adjust,” dagdag pa nito.
KAIBAHAN SA 5 STAR HOTEL
Sa pagtatayo ng hotel lalo na’t marami kang kakompetensiya sa ganoon ding negosyo, kailangang mayroon kang kakaibang mai-o-offer sa iyong mga customer.
Isa sa kaibahan o naging lamang ng Amore bukod sa elegante at abot-kaya sa bulsa ang presyo ay ang kanilang tiles. Hindi simpleng tiles ang ka-nilang ginamit kundi European tiles. “Everything is European,” wika pa ni Rommel.
Kakaiba rin ang kanilang floor dahil hindi ito carpeted gaya ng karamihan. Tiles ang ginamit nila na mukhang carpet. Maganda rin sa paningin at ka-kaiba kaya nakatulong ito sa pagiging classy at cozy ng lugar.
“Kung iko-compare sa 5 star hotel, naka-bidet kami. Bidet not a hose. Bidet with a push button beside you,” pagmamalaki pang saad ni Rommel pagdating sa kanilang water closet.
Pagdating naman sa mga kuwarto, mayroon silang supreme, premium, deluxe at ang PWD room na malapit sa elevator.
PAG-MAINTAIN NG HOTEL
Importante rin ang pangangalaga sa kagandahan at kaayusan ng hotel.
Kaya naman, sinisiguro ng Amore na malinis at maayos ang kabuuan nito. Mayroon silang termite control. May ginagamit din silang vacuum sa kama at maging sa dingding para masigurong malinis ito at walang insektong naninirahan. Mayroon din silang monthly schedule ng paglilinis. May araw na sa paglilinis ng aircon, kuwarto at kung ano-ano pa.
DREAM. ACHIEVE. SURVIVE.
Sa tatlong salita, inilarawan ni Donna ang Amore bilang dream, achieve at survive. Dream dahil nagsimula umano lahat ng ito sa pangarap.
Achieve naman dahil naitayo na ito. At ang pangatlong salita, survive. Survive dahil gusto nilang ma-maintain at magkaroon pa ng mga branch.
Matapos din ang Amore, gusto nilang isunod dito ang talagang dream nila, ang Condotel. CHE SARIGUMBA at EUNICE CELARIO
Comments are closed.