AMORES SUSPENDIDO

SINUSPINDE ng PBA si John Amores sa buong Commissioner’s Cup.

Ginawa ni PBA Commissioner Willie Marcial ang anunsiyo sa isang press conference nitong Biyernes, subalit binigyang-diin na ang NorthPort guard ay maaaring sumali sa ensayo at iba pang aktibidad ng koponan.

“In coordination with the management of NorthPort, the Commissioner has decided that (John) Amores will be suspended for all his games in the PBA’s 49th Season without pay for conduct detrimental to the league,” pahayag ng PBA sa isang statement na binasa ni lawyer Ogie Narvasa, ang legal counsel ng liga.

Sinabi ni Marcial na papayagan si Amores na muling maglaro sa PBA “but, without delay must submit to counseling to address his anger and violent tendencies.”

Bagama’t suspendido, si Amores ay entitled na tumanggap ng suweldo mula sa NorthPort at papayagang mag-ensayo at sumali sa mga aktibidad ng koponan.

“Isolating him will not be helpful and healthy for his rehabilitation,” pagbibigay-diin ng commissioner.

Sinabi ni Marcial na ang kanyang clearance para maglaro ay kailangang magmula sa kanyang counsellors. Ang counseling program ni Amores ay kailangan ding aprubahan ng liga at kailangan itong magpatuloy hanggang ma-clear siya at tapusin ng counsellors ang programa.

Si Amores ay nahaharap sa kasong frustrated homicide makaraang masangkot ito at ang kanyang kapatid sa pamamaril matapos ang isang pickup game sa Lumban, Laguna noong nakaraang buwan.

“The PBA and the management of NorthPort are strongly against any kind of violence on and off the court and also advocate responsible and safe handling of guns,” giit ni Marcial.
CLYDE MARIANO