BUKOD sa kaanak ni convicted rapist at murderer Antonio Sanchez, nagpasaklolo rin kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pamilya ng kanyang dating kliyente na si Datu Saudi Ampatuan Jr. na nahalal bilang mayor at ngayon ay at-large dahil sa pagkakadawit sa Maguindanao massacre case.
Ayon kay Panelo na hindi lang sa kanya humingi ng tulong ang ina ni Ampatuan Jr. na si Bai Soraida Biruar Ampatuan at asawang si Atty. Jehan Jehan Ampatuan Lepail kundi maging kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, nakasama niya sa isang event sa Davao City ang pamilya Ampatuan kung saan naroon din ang Pangulong Duterte.
Pinayuhan na lamang ng Pangulo ang mga Ampatuan na hintayin na lamang ang magiging desisyon sa kanilang kaso.
Comments are closed.