(Anak, asawa ng foreign diplomats) ‘DI EXEMPTED SA TRAVEL BAN

DADAAN sa mahigpit na proseso sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga anak at asawa ng mga foreign diplomat, mga tauhan ng World Health Organization, United Nations at maging mga Filipino mula sa 35 bansa na kasama sa travel restriction ng pamahalaan.

Ito ay makaraang maglabas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ng Resolution No. 95 na maaring makapasok sa bansa ang mga ito subalit dadaan sa “Airport One Stop shop” upang sumailalim ng COVID-19 testing at quarantine protocols.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang asawa, minor children ng mga diplomat na kasama sa kanyang travel o biyahe papasok ng Filipinas ng walang entry visa ay hindi papayagan makapasok sa bansa.

Samantalang ang mga Pinoy na may dual citizenship ay makakapasok kapag msy naipakitang balidong Philippine passport, certificate of citizenship, o kaya Identification Certificate o certificate of reacquisition/retention of Philippine Citizenship sa ilalim ng RA 9225.

Sa kasalukuyang, nananatiling ban sa bansa ang mga dayuhan na may travel history sa loob ng 14 na araw mula sa mga bansa ng United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Le­banon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, at United States.

Kasama rin ban ang mga dayuhan na galing sa mga bansa o lugar ng Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, United Arab Emirates, Hungary at Oman. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.