ANAK NG BAYAN MUNA SOLON TODAS SA ENGKUWENTRO

barilin

SURIGAO DEL SUR- ISANG babaeng kasapi ng New People’s Army (NPA) at umano’y anak ng isang Makabayan Bloc congressman ang napatay sa 45 minutong sagupaan na nag resulta sa pagkakasamsam sa limang high-powered firearms ng mga ele­mento ng Philippine Army 3rd Special Forces “Arrowhead” Battalion (3SFBn) sa  Barangay San Isidro, bayan ng Marihatag ng lalawigang ito.

Sa isinagawang clearing operation, na-recover ang tatlong AK-47 rifles, isang M14 rifle at isang M653 5.56 caliber rifle, limang  backpacks na naglalaman ng mga  war material at  subversive documents.

Kinilala ni Lt.Col. Joey B. Baybayan, INF GSC PA, 3SFBn Commanding Officer ang napaslang na si Jevilyn Campos Cullamat alias “Ka Reb”, 22-anyos, pinakabatang anak na babae ni  Bayan Muna Representative Eufemia Campos Cullamat.

Si Cullamat ay positibong kinilala ng siyam na dating NPA rebels na nagsisilbing  medical officer ng  Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Platoon of Guerilla Front 19, Northeastern Regional Committee (NEMRC).

Nakahanda ang Philippine Army na magkaloob ng security and transportation assistance sa pamilya Cullamat  kasabay ng pakikipag-ugnayan sa pinaka-malapit na punerarya para sa maayos na pangangalaga sa bangkay.

Ayon kay Baybayan, ang ginawang pagpaslang ng CPP-NPA kay yumaong Lianga Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR), Datu Jumar S. Bucales nitong nakalipas na buwan ang nagpagalit sa tribal communities sa buong  Surigao Del Sur at sumumpang tutulong sa militar sa pagtunton sa NPA terrorists. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “ANAK NG BAYAN MUNA SOLON TODAS SA ENGKUWENTRO”

  1. 413329 262303Oh my goodness! an exceptional write-up dude. Thank you However Im experiencing problem with ur rss . Do not know why Cannot register for it. Could there be any person finding identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 873086

  2. 70961 981284You created various great points there. I did a search on the topic and located most people will have the same opinion along with your weblog. 966490

  3. 140662 92934Wow, great weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look easy. The overall appear of your internet web site is fantastic, let alone the content! 747562

Leave a Reply

Your email address will not be published.