ANAK NG MAGGAGATAS KUMINANG SA NAT’L OPEN

Evangelene Caminong

ILAGAN – Isang anak ng maggagatas ang umukit ng kasaysa­yan matapos magtala ng bagong Philippine record sa girls’ high jump sa heptathlon at matagumpay na sinungkit ang ginto sa long jump sa National Open Invitational ­Athletics.

Dinomina ni Evangelene Caminong ang high jump sa record 1.71 meters at binura ang 1.69 meters na ginawa ni Kaylene Mosqueda sa PSC/PATAFA weekly relay noong 2016,  at pagkatapos ay binulsa ang ginto sa long jump sa 5.23 meters.

Tinalo ni Caminong sina Alexie Mae Caimoso at Vhia Mostoles ng Ateneo na tumalon ng 1.68 at 1.53 meters, ayon sa pagkakasunod.

“Training, determination at tiwala sa sarili ang nagdala sa akin sa tagumpay,” sabi ni Caminong na isinilang sa San Vicente, Palawan at naninirahan sa Dasmariñas, Cavite.

“’Yung hindi ko nagwa sa Palarong Pambansa sa Antique at Vigan ay nagawa ko rito,” dagdag pa niya.

Nagbunga ang mahigit 10 oras na paglalakbay ni Caminong mula sa Cavite sa kanyang mga tinamong tagumpay.

Habang pinagkaguluhan si Caminiong bilang instant celebrity, nagbunyi rin sina John Albert Mantua at Raziebel Fabellon sa kanilang double gold performance at dinuplika ang nagawa ni Richard Salano sa 3000m steeplechase at 10,000m

Kinuha nina Mantua at Fabellon ang kanilang ikalawang ginto, habang  naidepensa naman ni national record holder Mark Harry Diones ang kanyang korona sa triple jump. CLYDE MARIANO