ILOCOS SUR- DEAD on the spot ang bunsong anak ng Mayor ng Santa, Ilocos Sur matapos na bumangga ang big bike nito sa SUV na naganap sa nasabing bayan.
Batay sa report ni Santa Police station chief Captain Mark Bryan Corpuz, ang biktima ay nakilalang si Jerome Jesus Bueno lV, anak ni Santa Mayor Jesus Bueno Jr.
Ang naturang pangyayari ay nakita sa CCTV na ang biktima ay lulan ng kanyang big bike bago ito sumalpok sa paparating na SUV.
“Hindi niya napansin ng biktima ‘yung kasalubong niya na sasakyan, SUV at nagkaroon ng head-on collision. at sa
‘Yung katawan niya medyo nalamog kaya ‘yun siguro ang reason kung bakit siya namatay,” pahayag ni Corpuz.
Labis naman ang dalamhati ni Mayor Jesus Bueno Jr. sa pagkamatay ng anak, ngunit nagpahayag ito na hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya laban sa SUV driver.
“Bilang ama masakit ‘yung kalooban ko. Siya ang youngest, eh future public servant too, sana. Nagpapasalamat po sa lahat nang nakikiramay sa amin,” anang alkalde.
EVELYN GARCIA