“EVERY parent’s dream is to see their children go to school.”
Ito ang mensahe ni Philippine Char¬ity Sweepstakes Office (PCSO) General Manag¬er Alexander Balutan sa ikalawang anibersaryo ng Philippine Army Of¬ficers’ Ladies Club, Inc. (PAOLCI) sa Fort Boni¬facio, Taguig City.
Aniya, isang natupad na pangarap na maki¬tang may diploma ang mga anak kaya naman isusulong ang PAOLCI educational assistance program (PAEAP).
“As a former Ma¬rine general, Balutan I understand the plight of the soldiers who were deployed in the field, sacrificing their lives to protect our country and countrymen,” bahagi ng speech ni Balu-tan.
Gayunman, may sariling pamilya ang mga sundalo at nais nilang mabigyan ang kanilang mga anak ng disenteng pamumuhay at edukasyon.
Kaya naman, para makatulong ay isinulong ang nasabing progra¬mang ayudang edukasyon sa mga anak na qualified at deserving.
Ang PAOLCI ay iti¬nayo noong 2016 ni Jean Joselyn Maria D. Año, ang maybahay ni De¬partment of the Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge at dating AFP chief, Gen. Edu-ardo Año at sa pagtatag ng PAEAP ay naglalayon na suportahan ang qualified dependents ng mga financially chal¬lenged na mga sundalo.
Partikular na tutulungan ang nasa senior high school at nasa kolehiyo. EC
Comments are closed.