ANAK NG NOVO ECIJANO SASABAK SA WORLD CHAMPIONSHIP OF PING PONG

on the spot- pilipino mirror

NAKATAKDANG lumahok si Aljay Villena, 13, sa World Championship of Ping Pong sa London.

Subalit mauuna rito ay sasabak si Aljay, anak nina Butch Villena at Liza Andasan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija, sa National Open Table Tennis sa Cuneta Astrodome sa January 6 at 7, 2020 kung saan mahigit 200 ang lalahok sa buong Filipinas.

Pagkatapos nito, sa Janaury 25-26, ay sa Alexandra Palace sa London makikipagsapalaran ang tubong Nueva Ecija. Nasa 64 magagaling na manlalaro sa buong mundo ang magtatagisan ng galing sa larangan ng table tennis na sandpaper ang gamit.  Nasa $20,000 na katumbas ng mahigit isang milyong piso ang maiiuwi ng magiging champion. Karamihan sa kalahok dito ay Olympic players.

Minsan nang sumali si Aljay sa World Championship of Ping Pong  noong 2018, subalit hindi pinalad na magtagumpay ang bata. Pero ngayon ay handang-handa na siyang makipagtagisan sa kanyang mga katunggali.

Nag-qualify si Aljay sa London, kasama si Peejay Atienza ng Davao nang magkaroon ng table tennis elimination sa San Simon, Pampanga noong September 2019 sa suporta ni Mayor Abundio Punzalan. May 123 katao ang lumahok sa elimination kung saan namayani sina Aljay at Pee-jay.

Dalawa lamang sa pinakamagagaling sa bawat bansa ang kakatawan sa torneo sa London.

Matatandaan na na­ging adopted son ng San Simon si Aljay pagkatapos na manalo ang huli sa torneo.

Iniharap din siya sa Senado sa pamamagitan ni Senator Sonny Angara. Si Aljay ang isa sa mga sasanayin ng Philippine Table Tennis Federation (PTTF), sa pangangasiwa ng presidente nito na si Ting Ledesma upang ihanda sa 2024 Olympics.

Isang malaking karangalan sa bansa at sa Nueva Ecija ang magkaroon ng kinatawan sa  London lalo pa nga kung loloobing ma­ging kampeon si Aljay na nagsimulang maglaro ng table tennis sa edad na walo.



Simula na ngayon ang PBA semifinals kung saan unang maghaharap ang NorthPort Batang Pier at ang crowd favorite Brgy. Ginebra, best-of-five ang serye. Unahan sa tatlong panalo para umusad sa finals. Bukas naman ang salpukan ng sister teams Meralco Bolts at TNT KaTropa. May the best team win.



PAHABOL: Best wishes to the newly wed, Florence Mae Medalla and Alvin Alcala ng Purok 4 Brgy. Angeles Antonio Zambales. Greetings from Edwin Manuel and family.

Comments are closed.