ANAK NG TSERMAN HULI SA DROGA

huli sa droga-2

BATAAN – KALABOSO sa ikalawang pagkakataon ang isang binata na anak ng isang barangay chairman matapos umanong mahuli sa akto na nagbebenta ng shabu sa undercover police sa Brgy. San Benito, Dinalupihan.

Nakarating sa tanggapan ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Supt. Eduardo Guevara Jr., nakilala ang nadakip na suspek na si Crisanto Montemayor y Nicolas alyas “Kit kit”, binata, 22-anyos, residente at anak ng kasalukuyang Barangay San Simon Chairman sa naturang lugar.

Halos kalalaya pa lamang umano ng suspek mula sa kulungan sa parehong kaso ng droga.

Subalit nagbalik umano sa dating gawi ang suspek kaya muling isinailalim ito sa surveillance kung saan ng magpositibo ay agad ikinasa ang buy bust.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) maliliit na pakete ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa buy bust.    ROEL TARAYAO