‘ANAK’ NI ATE GUY NA SI JO BERRY INSPIRASYON SA ‘LITTLE PEOPLE’

Jo Berry

HALOS maiyak, kaya huminto at hindi nakababa ng staircase si Jo Berry nang i-present na ang buongshowbiz eye cast ng newest heart-warming prime-time series, sa media conference ng GMA Network ng “Onanay” na siya ang title-roler.  Napakainit kasi ng pagtanggap ng entertainment press sa kanya.  Nagpaka-gentleman naman si Adrian Alandy (dating Luis Alandy) na sinalubong sa gitna ng staircase si Jo at inihatid sa stage. Si Adrian ang gumaganap na mabait na asawa ni Jo sa primetime series.

Nakausap namin si Jo after the launch at Berry talaga ang surname niya dahil ang kanyang ama ay half-Spanish at half American.  She stands 3 feet in height, bunso sa four children. Namana nila ng kuya niya ang pagiging Achondroplasia, ang medical term na dwarfism sa kanilang ama.  Sa “Ona-nay” normal si Adrian pero na-in love siya kay Onay. Sa totoong buhay, normal ang Mama ni Jo na na-in love sa kanyang Papa.

At 24, matalino at very positive ang attitude ni Jo, hindi siya nakaram­dam ng awa sa sarili niya dahil pinalaki silang maganda ng mga magulang nila.

“Hindi po ako nagtanong sa sarili ko or sinisi si God, kung bakit ako ganoon, nakikita ko namang ganoon din sina papa at kuya.”

Two years nang may corporate job si Jo nang dumating ang offer ng GMA.  Matapos mai-present sa kanya ang “Onanay” at pumayag naman ang papa niya, nag-resign na siya sa kanyang job

“Ayaw ko pong palampasin ang malaking opportunity.  Naniniwala po ako sa story they presented to me. Gusto ko pong magbigay ako ng inspirasyon sa mga tao lalo na sa mga tulad ko. Major decision at major twist po ito sa buhay ko. Pero naniniwala ako na kaya po different ako kasi may bigger purpose ako to play sa mundong ito. Gusto ko pong sa pamamagitan ng seryeng ito, maiba ang pagtingin ng mga tao sa mga ‘little people’ na tulad ko.”

Mapapanood na ang “Onanay” sa GMA Te­lebabad simula sa Lunes, Agosto 6.

KAMBAL NINA ZOREN AT CARMINA PINASOK NA RIN ANG SHOWBIZ

Cassy-MavyPAREHONG nasa showbiz sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, kaya ang kambal nilang sina Cassy at Mavvy ay hindi na rin napigilang pasukin ang showbiz matapos nilang pumirma ng contract sa GMA Network last Thursday, July 26.

Masaya ang kambal nang makausap sila after the contract signing, kung ano ang naramdaman nila ngayong officially ay Kapuso na sila. Magkatulong na ima-manage ng GMA Artist Center at ng amang si Zoren sina Mavvy at Cassy.

“At first, I was a little bit nervous but after a while, I realized that this is actually very very exciting,” sabi ni Cassy.

Mavvy naman said that they consider GMA as their second home.  Natatandaan daw nilang noong mga bata pa sila, madalas silang bumibisita kina Zoren at Carmina kapag may taping sila.

“Growing up, I was always around here already.  So right now I’m just really excited to get things started and see where things go.  At the end of the day it feels like home talaga.  It really does.  So it’s like we’re going back home.”

Light romantic-comedy muna ang gustong gawin ng kambal kapag binigyan na sila ng project ng GMA.

Comments are closed.