May kapatid pala sa ama si Luis Manzano, si Jose Diego Aspiras Manzano. Isang 20-year-old son ni Edu Manzano at ng popular chef na si Reggie Aspiras, na star player ng Manila Digger football team sa Philippine Football League (PBL).
Unlike Edu and Luis na parehong La Salista, B.S. Management student naman siya sa Ateneo de Manila University.
Ang VP Global Artist and Talent management nina Charlie Dy at Dondon Monteverde ang namamahala sa kanyang football career.
Hindi raw isyu sa kanyang parehong kilalang personalidad ang mga magulang dahil sanay na siya. In fact, parang nakatulong pa nga raw ito sa kanya para mag-aspire to be the best sa kanyang career.
Wala raw siyang balak mag-artista dahil ang gusto niya ay makilala siya sa larangan ng football, pero “never say never.” Baka raw sa ibang araw.
Mas nagmana raw siya sa kanyang ina dahil ito ang lagi niyang kasama, pero may mga nakuha rin siyang traits ni Edu.
Right now, ang focus niya ay football at pag-aaral. Medyo mahirap, pero kaya raw naman.
RLVN