QUEZON CITY – INARESTO ng pulisya ang anak ng dating kongresista ng Leyte sa kasong estafa matapos ipatupad ang warrant of arrest sa Novaliches.
Batay sa report ni Supt. Alex de Jesus Alberto, Station Commander ng QCPD Police Station 3, ang nadakip sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ng Metropolitan Trial Court Branch 41 ni Presiding Judge Analie B. Oga-Brual ay nakilalang si Roel Salvacion, anak ni dating Andres Salvacion.
Ang batang Salvacion ay nadakip dakong alas-7 ng gabi sa bahay nito sa Bagbag, Quezon City.
Ang inaresto ay sinampahan ng kaso ni Gng. Donabel GB Mayor ng 2 counts estafa na kung saan umaabot sa mahigit P1 mi-lyon na pagkakautang umano nito sa kanya. EVELYN GARCIA
Comments are closed.