Nagkasakit ng pulmunya ang aak ni Janella Salvador na si Jude kaya kailangan muna niya itong alagaang mabuti.
Dahil dito, hindi matutulou ang 10th anniversary concert ng Kapamilya actress-singer na may titulong Reimagined concert na nakatakda sana sa Abril 19, 2024, Biyernes, sa New Frontier Theater.
Isang linggong na-confine sa ospital si Jude, at kahit nakalabas na ito ngayon, nangangailangan pa rin ng atensyon at pag-aalaga ng ina. At dahil hands-on mommy si Janella, kesehodang hindi matuloy ang concert masiguro lamang niyang okay ang kanyang anak.
Pero itutuloy daw naman niya ang shooting ng pelikula nila ni Jane de Leon dahil hindi ito masyadong demanding.
Yung How To Be A Good Wife, directed by Jun Lana.
Postponed lang naman ang concert at hindi cancelled. Inaayos na raw nila ngayon ang schedule ni Janella kung kailan ito matutuloy. Pero sa dami ng naka-line-up niyang projects, baka last quarter of this year na raw ito magaganap. Malamang daw, September.
Basta overall, priority raw ni Janella ang kanyang anak. isasakripisyo niya kahit ano para kay Jude kung kinakailangan. NLVN