ANAK NI KUYA GERMS NA SI FEDERICO MAY 2 SALON NA OPEN FOR FRANCHISE

FEDERICO

BUSINESSMAN Federico Moreno, the son of late Master Showman German showbiz talkMoreno, is an active member of the Philippine Franchise Association. In fact, he’s the director of the association for National Capital Region.

He’s busy preparing for the upcoming Philippine Franchise Association conference at SMX na ongoing ngayon si­mula kahapon, March 27 hanggang ngayong March 28. This is one of the biggest events in Asia wherein a lot of participants coming from abroad.

“Bukod sa pagiging director ako ng PFA, busy ako sa personal business ko. Mayroon akong dalawang salon. My Xcess salon na as of today has 36 branches all over the Philippines. Open for franchise din ang Xcess.

“My Huge salon,” na isang high end salon, ay nasa Eastwood City.

Bukod sa pag-aari ng dalawang brand of salons, Federico is busy preparing for new business.

Aniya: “Malapit ko nang simulan ang isang application for downloading na purpose ay pang-showbusiness.

“Bumalik ang naisin ko na makatulong sa iba sa pamamagitan ng online. Puwede kaming mag-develop ng new talents. Tulad ng father ko noon.

“Magkakaroon din ng talent contest via online broadcast live. May Kapuso star kaming kinukonsidera para maging endorser. Pero, under negotiation pa.”

Like father, like son ang pagkahilig ni Fede­rico sa showbiz at gayundin sa negosyong pagpapaganda na pang-showbiz din.

GLAIZA DE CASTRO NAITATAK SA FANS ANG KANYANG SIGNATURE HAIR COLOR SA ‘CONTESSA’

PATUNAY ng success ng Contessa soap ng  Kapuso actress Glaiza De Castro ang GLAIZA DE CASTRO2pagtatak sa fans ng signature hair color ng award-winning actress.

Ang  signature hair ang nagbigay ng karakter sa role ni Glaiza. Kaya naman nang panahong kasikatan ng Contessa, maraming nagpakulay ng buhok. Maging ang butihing  ina ni Glaiza,  si Mommy Cristy  Galura,  ay hindi nagpahuli sa trending ng  hair coloring.

Isang bagong bukas na salon sa Dapitan, Sampaloc, Manila ang nagbigay ng bagong look kay Mommy Cristy para ma-achieve ang Contessa inspired look,  ang GRAYCH Beauty Lounge. Ang GRAYCH ang  sumisikat na beauty salon sa Maynila. Dahil sa magandang serbisyo at talaga namang affordable price ng salon, mabilis na naging popular sa mga kliyente, kung saan ay madalas puntahan ngayon ng  mga estud­yante, housewife at pas­yonistang female and male professionals.

Ang Graych ay nag-e-specialize sa fashion hair coloring at balayage na siyang ginawa kay Mommy Cristy para  ma-achieve ang kanyang Contessa-inspired look.

Ayon sa isa sa owners na si Ms. Rachelle Celespara, nagbukas ang kanilang salon noong October 13, 2018 at ngayo’y  patuloy na dumarami ang  kliyenteng pumupunta sa shop. Kasama na ang pagtangkilik ng miyembro ng pamilya ni Mommy.

Dekalidad na serbisyo ang ipinagmamalaki ng GRAYCH Beauty Lounge. Ang kanilang hair rebonding at hair coloring ay nagkakaha­laga lamang ng Php999 for any length. Talagang abot-kayang halaga  para sa lahat.

Puwedeng  bisitahin ang GRAYCH Beauty Lounge sa 1751 Dapitan corner Vicente Cruz Street, Sampaloc, Manila. Hana­pin ang GRAYCH Beauty Lounge sa Facebook at Instagram o bisitahin ang kanilang website sa www.graych.com.

SOPRANO SINGER KATHY HIPOLITO MAS ART PAINTER AT ANIMAL LOVER

HINDI nawawalan ng pagkakabisihan ang young soprano singer na si Kathy KATHY HIPOLITOHipolito Mas.

Kung wala siyang guestings, asikaso niya ang nag-iisang anak na nag-aaral sa Montessori.

She also loves pets at may dalawang half-breed dogs na sina Toretto at Happy, at bukod diyan ay may 15 cats pa siyang alaga.

May kanya-kanyang lugar ang bawat hayop sa kanyang bahay. Ang 2 aso ay sa ground level, samantalang ang mga pusa ay may sariling room.

“Nagka-allergy ako sa ilong. Lagi akong may running nose o sipon. Natuklasan ng doctor na allergic ako sa balahibo ng aso at pusa. Kaya may kanya-kanyang puwesto na sila sa bahay. ‘Di ko na puwedeng itabi sa pag tulog.”

She’s also an art painter at dahil she’s an animal lover, gusto niyang ipinta ang mga aso at pusa na para sa kanya’y nangungusap lagi ang mga mata nila.

Open siyang tumang­gap ng art painting na oil on  canvass or watercolors ng mga hayop.

Comments are closed.