ANAK NI MARITONI NA SI LEXI FERNANDEZ ITINANGGING SIYA AY BUNTIS

LEXI FERNANDEZ

“PREGNANT?! Oh, my God,” bulalas ni Lexi Fernandez when we asked her if this is the reason kaya siya reflectionbiglang nawala sa showbiz.

Nakatsikahan namin si Lexi sa welcome dinner party para sa international Fil-Am You Tube sensation na si SnewJ na anak ng dating moviestar na si Vilma Vitug-Jennings kamakailan.

Itinanggi ng dating Kapuso star  ang tsika na nagdalantao siya kaya bigla siyang nawala sa showbiz.

Si Lexi ay anak ng artistang si Maritoni Fernandez at nakalabas sa mga teleserye ng GMA7.

“Let them believe what they want,” sabi ni Lexi sa amin.

Hindi naman natiis ni Maritoni na magsalita habang katsika namin ang kanyang anak sa party.

“Wait! E, ‘di may apo na sana ako? I’ll be the first one to be happy,” birong seryoso ni Maritoni.

“Hindi totoo ang balita. But you know what? I would be so proud as a lola,” say pa ni Maritoni.

Going back to Lexi, klinaro niya na wala siyang anak. Pero may boyfriend daw siya for six years, si Paolo Garci.

Sa kabila ng anim na taon na pagsasama nila, wala pa raw siyang plano na mag-asawa. Hindi pa raw niya priority ang pag-aasawa.

After she finished her course na Child Education sa University of Asia & the  Pacific, magti-take naman daw siya ng master’s degree sa Melbourne, Australia.

IANA BERNARDEZ IDINEPENSA ANG TF NG MGA TALENT

APOLOGETIC ang isa sa stars ng “Metamorphosis,” Cinema One Originals official entries for IANA BERNARDEZcompetition, na si Iana Bernardez sa sinabi niya tungkol sa talent fee ng mga talent sa pelikula.

Si Iana ay eldest daughter ng dating modelo at aktres na si Angel Aquino kay Ian Bernardez.

Sa aming eks­lusibong panayam kay Iana, nilinaw niya ang P800 na sinabi niyang TF ng talents sa pelikula sa grand launch ng Cinema One Originals.

“The question was, does your mom help you choose your roles or your projects. Sabi ko, ‘Yes,’ based on the script. Pero sa mga times na hindi ko pinapakita sa kanya, ‘yun nga, ‘yung mga ume-extra ako.

Dahil doon, pinagsabihan niya ako, ‘Hay naku, Iana, nakita na naman kita. And’yan ka na naman.’ Pinagsasabihan niya ako like, ‘Iana, protect naman your path. Protect your career,’ ganoon,” kwento ni Iana.

E, bakit nga ba niya nasabi ang P800 na TF ng mga talent?

“Hindi, my God! Mga P1,000. Passersby, ibig kong sabihin, common knowledge naman.”

Bago kasi nag-artista si Iana, nagtrabaho muna siya bilang producer (line, associate, etc) sa pelikula. Kaya may first-hand knowledge siya sa budget ng production.

“Hindi po totoo ‘yun. ‘Pag may speaking lines or may dialogue, or real acting involve, I pay them their fee. I pay them ‘yung pag-usapan namin ng talent coordinator. But if it’s passersby, if I have to clear  what P1,000 or P800 is, passersby, crowd, non-speaking, ganyan.”

Ang “Metamorphosis” ang masasabing second ‘big’ role ni Iana sa movies na dinirek ni J.E. Tiglao at isa sa walong competing entries ng 15th Cinema One Originals.

Comments are closed.