PATAY habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang anak ng dating world boxing champion Rolando Navarette nang pagbabarilin ito ng riding in tandem sa Barangay Lagao, sa General Santos City kamakalawa ng gabi.
Sa imbestigasyon ng GENSAN Police Office kasama ng biktimang si Rolando Navarette Jr., ang kinakasama nito para bumili ng pagkain ng dikitan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo.
Sa ibinigay na salaysay sa mga imbestigador ni Montessa Yama, live-in partner ng biktima na galing sila ng Aradaza Street sa Carcon Village at pabalik na sana sa kanilang tinutuluyan nang pagbabarilin ng mga suspek.
Agad na nakahingi ng saklolo sa mga bystander ang kinakasama ni Navarette at nagawa pa itong maisugod sa pagamutan subalit nalagutan din ng hininga habang tinatangkang isalba ng mga doktor.
Nabatid na isa sa mga anggulong tinututukan ng mga imbestigador ay may kaugnayan sa ilegal na droga.
“We have monitored na he is still involved in the drug. He is also a target din pero unfortunately talagang hindi siya mahuli-huli. So hindi natin sinasantabi ‘yan and reports would still show that he is involved in illegal activity,” ani Police Major Roland Pascual, hepe ng Police Station 6.
Napag-alaman pa na kabilang ang batang Navarette sa drug watchlist ng General Santos City Police Office at isa ring drug surrenderer.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Gensan-PNP para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin. VERLIN RUIZ
Comments are closed.