Anak ni Niño Muhlach na si Sandro may gustong patunayan

HINDI  pala ginamit ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro ang apelyidong Muhlach nag mag-audition siya sa Sparkle. Gusto raw kasi niyang kung matatanggap siya ay hindi dahil galing siya sa pamilya ng magagaling na artista, kundi dahil may talent din siya.

Ngayon daw na nakapasa na siya, okay lang na gamitin niya ang apelyido ng kanyang ama dahil talaga namang Muhlach siya. Ang mahalaga umano ay nakapasa siya sa sarili niyang effort na walang naganap na nepotism. Gusto raw niyang patunayang mayroon din siyang ibubuga lalo na sa acting. Hindi man umano niya marating ang naabot na kasikatan ni Niño at Aga Muhlach, patutunayan daw niyang mayroon din siyang kakayahang wala sa kanila.

Basta, ang mahalaga umano ay natanggap siyang walang ginamit na sikuhan.

Si Sandro ay anak ni Niño sa kanyang ex-wifena si Edith Millare. Half-brother naman niya si Alonzo na anak naman ni Niño sa kasalukuyang asawang si Diane Tupaz.