ANAK NI SEN. BATO, 6 PA NASAGIP SA GITNA NG DAGAT

DAVAO DEL NORTE- NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine National Police–Maritime Group ang pito katao kabilang ang anak umano ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Samal Island sa lalawigang ito.

Sa ulat ng PNP-Maritime Group, pitong tao ang nasagip mula sa nagpapalutang-lutang na bangka na-stranded sa may Samal Island nitong Huwebes.

Nabatid na kasama sa mga nasagip ang anak umano ni Senador Bato na si Macky.

Sinasabing nag-island hopping sa Samal Island ang grupo nila Dela Rosa nang makaranas ng motor failure at pagkasira ng makina ng sinasakyang nilang bangka dahil sa malakas na alon.

Nilinaw ng pulisya na nasa maayos na kalagayan ang pitong nasagip na pasahero ng bangka na dinala pansamantala sa PNP- regional maritime unit. VERLIN RUIZ